Wednesday, July 04, 2012

Panic MOMent


Habang nagda-drive sa kahabaan ng EDSA...

"Mommy, poopoo!"
"Mommy, poopoo and wiwi!"

Ang mommy, panic mode. Lakas ng ulan, traffic... san ako hahanap ng CR? Text kay Daddy (all the way to Germany), daan daw sa The Fort. Eh "Mommy, it's coming out already!" Panic mode na naman. Sabi ko "Sit lang, we're driving." "Mommy, I can not sit, it will come out if I sit."

Hala!

Habang naghihintay ng reply from daddy sabi ko SING lang muna kami to take her mind out of the poopoo feeling.

Tapos nakita ko na ang sign: "Fort Bonifacio ->"

Nung kakanan na ako, "No Entry" daw. Shoot!

Hazard lights sabay tanong kay manong. Dun daw sa may malaking building.

Ok go... pagliko sa may building, ano na, san na 'to? I think we're lost.

"Mommy, it's coming out, my wiwi! Stop there lang (sa side daw) I can wiwi there na!"

Ngek, di pwede dyan anak.

Teka, wait lang. Drive drive pa din, bahala na. Kita ko Starbucks. Pwede! Kaso san ako pa-park??

Drive pa din until I saw the light that says Market Market.

Hay, sa wakas.

Panic button off.

No comments: