Sinasanay na namin si Gabbie sa Tagalog ngayon pa lang (Nursery sya). Kasi sa Kinder daw meron na silang Filipino subject. Tapos sa Prep, may Sibika na din yata? Hindi sya marunong mag Tagalog nung pumasok sya sa school. Nung Linggo ng Wika nagtula sya ng Tagalog. Kabisado nya yung tula pero may mga taong pinagtawanan sya kasi slang. I caught it on video. Naiinis ako tuwing mapapanood ko yun.
Medyo natututo na din sya on her own. Kasi kahit English ang medium of instruction, Tagalog pa din ang usapan ng classmates nya sa school. Ang ayoko lang minsan pag bulol yung classmate, bulol din yung napi-pick up nyang salita. Like pag "parehas", sasabihin nya "pehas" kasi yun ang sabi ng kaklase nya. Kaya sa bahay tinatama ko.
Pero nakakatawa din nga naman minsan. Kasi nadidinig ko sya na nagta-try naman talaga mag Tagalog pag kausap yung mga kasama namin dito sa bahay. Tatanungin nya "Ano doing mo?" o kaya "San ka going?" Kailangan pa i-explain sa kanya yung tama. Pero siguro kasi mahaba yung "Anong ginagawa mo?" o kaya "Saan ka pupunta?" Ini-english na lang nya, mas madali nyang mabigkas.
Minsan naman yung Tagalog pag past tense na ginagaya nya sa English. Nilalagyan nya ng "ed" or "d" sa dulo. "natanggaled" "nahuloged" o kaya pag present participle na tagalog nilalagyan nya ng "ing" like "wiwi-ing", "pupu-ing", "palo-ing".
Kaya minsan napapaisip ako kung i-straight Tagalog na ba namin o ok lang na pag kami ang kausap eh English at pag yung mga kasama sa bahay eh Tagalog. Kaya lang pag nagagalit sya hindi na nila kinakausap. Kasi straight English ang salita nya.
Bahala na.